LUYANG DILAW: NATURAL NA PANLUNAS

Ang luyang dilaw ay may itsura na kahalintulad ng pangkaraniwang luya ngunit nagiiba sa kulay ng laman. Ang loob na bahagi ng luyang dilaw ay madilaw o kulay kahel. Ito ay maliit lamang na halaman at may patulis na mga dahon. May bulaklak din na bahagyang madilaw o maputi. Karaniwan din itong pananim sa mga taniman sa buong kapuluan ng Pilipinas, ngunit orihinal na nagmula sa bansang India.

Ang luyang dilaw, o turmeric ay isa sa pinaka popular na mga halamang gamot hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa. Ang luyang dilaw ay tinatawag na “Queen of spices” o reyna ng mga sangkap, dahil sa taglay nitong mala pamintang lasa. Ang mga tao sa buong mundo ay madalas gamitin ang luyang dilaw bilang sangkap sa pagluluto.

Ito ay hitik din sa malulusog na mga sangkap tulad ng protina, mg fiber, bitamina C, bitamina E, bitamin K, potassium, copper, iron, magnesium pati na rin zinc. Dahil sa mga salik na ito, ang luyang dilaw o turmeric ay kadalasan ding ginagamit bilang halamang gamot para sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA LUYANG DILAW?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang luyang dilaw ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang ugat ay mayroong curcumin (ang nagbibigay ng madilaw na kulay sa ugat) at may langis din na tumerone, atlantone, at zingiberone. Mayroon din itong tumerol, d-alpha phellandrene, carvone, camphor, curcumone, fat, starch, resin. Mayroon pa itong mineral na phosphorus at iron, at kaunting calcium.


ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
1.Ugat. Ang ugat na madilaw ang kalimitang ginagamit sa buong halaman. Ito’y maaaring pakuluan at inumin na parang tsaa, ihalo sa langis at inumin, o kaya ay katasan. Maaari ding ipampahid sa bahagi ng katawan ang hiniwa na luyang dilaw. Ito rin ay pinatutuyo at pinupulbos upang maihalo sa ilang mga lutuin at pagkain.
2.Bulaklak. Maaari ding dikdikin ang bulaklak hanggang sa maging pino at magamit na pampahid sa balat.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG LUYANG DILAW?
1. Lagnat. Pinapainom ng salabat ng luyang dilaw ang taong may mataas na lagnat upang mapabuti ang pakiramdam.
2. Pananakit ng sikmura (abdominal spasm). Mabisa din ang pag-inom sa salabat ng luyang dilaw upang maibsan ang kondisyon ng pananakit ng kalamnan sa sikmura. Maaari ding kainin ang tinadtad na luyang dilaw na hinalo sa langis ng niyog upang mapabuti ang pakiramdam.
3. Bulate sa tiyan. Mabisa din na pangpurga sa mga bulate sa tiyan ang pag-inom sa katas ng luyang dilaw.
4. Sugat. Ginagamit din na panglinis sa mga sugat sa pamamagitan ng pagpapahid ng hiniwang luyang dilaw sa apektadong bahagi ng katawan.
5. Kagat ng insekto. Pinapahiran din hiniwang luyang dilaw ang kagat ng insekto.
6. Bulutong. Matutulungang mapabilis ang paghilom ng mga mga sugat na dulot ng bulutong sa pamamagitan ng pagpapahid ng pinulbos na luyang dilaw sa mga apektadong bahagi ng katawan.
7. Buni. Ang dinikdik na bulaklak ng luyang dilaw ay mabisa naman para sa buni sa balat. Pinapahid lamang ito sa apektadong lugar.
8. Pagtatae. Maari namang kainin ang luyang dilaw para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.

ANG LUYANG DILAW AY IWAS KANSER
Ang luyang dilaw ay maaaring makatulong sa pag iwas sa prostate cancer, pigilan ang pagtubo ng kanser sa prostate. Kaya din nitong tuluyang patayin ang mga kanser cells. Maraming mga dalubhasa ang nakatuklas na ang aktibong mga sangkap ng luyang dilaw ay epektibong pang-iwas at panglaban sa mga tumor na dala ng pagkakahantad sa radiation. Tulong din ito bilang pang-iwas sa mga tumor cells tulad ng T-cell leukemia, carcinoma ng colon at suso.

LUYANG DILAW BILANG HALAMANG GAMOT SA ARTHRITIS
Ang kakayahang magpabawas ng pamamaga ng luyang dilaw ay magaling na panlaban sa pananakit na dala ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Karagdagan pa, ang antioxidants na nasa turmeric ay pangsira sa mga free radicals sa katawan na sumisira sa malulusog na mga cells. Natuklasan ng mga dalubhasa na ang paghihirap na dala ng rheumatoid arthritis ay naiibsan sa pamamagitan ng paggamit ng luyang dilaw dahil sa inaaalis nito ang pamamaga ng mga kasukasuan.

ANG DIABETES AT ANG LUYANG DILAW
Ang luyang dilaw ay maaari ring gamitin bilang halamang gamot sa diabetes dahil may kakayahan itong balansehin ang insulin sa katawan. Pinasisigla rin nito ang epekto ng iniinom mong gamot laban sa diabetes. Kung umiinom ka ng luyang dilaw, tintulungan nito ang iyong katawan na makaiwas sa insulin resistance na maaaring maging sanhi ng Type-2 diabetes. Ngunit, kung ito ay gamitin na kasabay ng malalakas na mga gamot, ang luyang dilaw ay maaari ring maging sanhi ng hypoglycemia o mababang blood sugar. Mas mabuti kung magtatanong sa inyong doktor bago ka gumamit ng turmeric sa diabetes.

ANG LUYANG DILAW AY NAKAPAGPAPABABA NG KOLESTEROL
Ang mga pag-aaral ay nagpapatunay na ang pagkonsumo ng luyang dilaw bilang sangkap sa pagluluto ay nakababawas sa kolesterol sa katawan. Alam natin na ang sobrang taas na kolesterol ay maaaring maging sanhi ng seryosong mga problema sa kalusugan. Ang pagpapanatili ng tamang dami ng kolesterol sa katawan ay tulong para makaiwas sa sakit sa puso at highblood.

PAMPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM ANG TURMERIC
Ang turmeric o luyang dilaw ay may sangkap na lipopolysaccharide, na nakakatulong na i-stimulate ang immune system ng katawan. Ang mga sangkap ng halamang gamot na ito ay kilalang pamatay mikrobyo. Ang malakas na immune system ay nagpapahina ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng sipon, trangkaso at ubo. Kung ikaw ay nagka sipon, trangkaso at ubo, mas mabilis kang gagaling sa pamamagitan ng paghalo ng isang kutsarita ng turmeric powder sa isang baso ng gatas at inumin ito araw araw.

MABILIS GUMALING ANG SUGAT KAPAG MAY LUYANG DILAW
Ang luyang dilaw ay natural na antiseptic at antibacterial agent. Ito ay mabisang gamitin bilang disinfectant. Kung ikaw ay may hiwa o may paso, pwede mong budburan ng turmeric powder ang sugat mo para bumilis ang paggaling. Ang luyang dilaw ay nakatutulong sa pagsasaayos ng nasirang balat. Pwede rin itong gamiting panggamot sa psoriasis at iba pang mga sakit sa balat.

Source: kalusugan.phhalamang-gamot

You Might Also Like

1 comments