KAALAMAN TUNGKOL SA KATAKATAKA BILANG HALAMANG GAMOT
Ang katakataka ay isang halaman na may katamtamang taas lamang at kilala sa pagkakaroon ng ugat sa mga dahon. Ang dahon na tinubuan ng ugat ay maaaring itanim at pagtubuan ng bagong halaman. Ito ay may makapal at makatas na dahon at mayroon ding pulutong ng mga bulaklak na nakayuko. Karaniwang tumutubo ito sa maaming lugar sa kapuluan ng Pilipinas at iba pang bansa sa Asya na nasa rehiyong tropiko.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA KATAKATAKA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang katakataka ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang mga kemikal na maaaring makuha sa halamang ito ay alkaloids, triterpenes, glycosides, flavonoids, steroids, butadienolides, lipids, at organic acids. Mayroon pang arachidic acid, astragalin, behenic acid, beta amyrin, benzenoids, bersaldegenin, beta-sitosterol, bryophollenone, bryophollone, bryophyllin, caffeic acid, ferulic acid, quercetin, steroids, at taraxerol. Ang dahon ay may taglay na bryophyllum A, B at C, at malic acid.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
1. Ang buong halaman ay maaaring katasan upang magamit sa panggagamot.
2. Dahon. Karaniwang dinidikdik at kinakatasan ang makapal na dahon ng katakataka upang ipampahid sa mga kondisyon sa katawan. Maaari din itong itapat sa apoy bagi ipantapal sa balat.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG KATAKATAKA?
1. Kagat ng insekto. Tinatapalan ng dinikdik na dahon ng katakataka ang bahagi ng katawan na may kagat ng insekto. Makatutulong ito upang mawala ang pangangati at iritasyon sa balat.
2. Eczema. Ang kondisyon ng eczema o implamasyon sa balat ay maaaring matulungang ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng katakataka.
3. Sugat. Mas mapapabilis ang paghilom ng sugat sa pamamagitan ng pagtatapal ng dahon ng katakataka na pinadaanan sa apoy. Maaari din itong dikdikin bago ipantapal upag makatulong sa paggaling ng sugat.
4. Pigsa. Ang pigsa ay tinatapalan din ng dahon na bahagyang pinitpit. Maaari din din gamitin dahon na pinadaanan sa apoy.
5. Pagtatae at disinterya. Ang tuloy-tuloy na pagdumi ay maaaring maibsan sa tulong ng pag-inom sa katas ng katakataka na makukuha sa dahon at mga sanga nito.
6. Hika. Ang dahon ay binababad muna sa mainit na tubig sa loob ng 15 minuto bago katasan at inumin para sa kondisyon ng hika.
7. Altapresyon. Mabisang nakapagpapababa ng presyon ng dugo ang pag-inom sa katas ng halamang katakataka.
8. Pananakit ng tenga. Pinapatak naman sa loob ng nananakit na tenga ang katas ng dahon ng katakataka upang guminhawa ang pakiramdam.
9. Pananakit ng ulo. Ipinangtatapal naman ang dahon ng katakataka sa noo at sentido upang mabawasan din ang pananakit ng ulo.
10. Rayuma. Ipinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng katakataka sa nananakit na kasukasuan na dulot ng rayuma.
Source: kalusugan.ph

0 comments