KAALAMAN TUNGKOL SA OREGANO BILANG HALAMANG GAMOT
Ang oregano ay isa sa mga kilalang pampalasa o herb na karaniwang ginagamit sa mga lutuin. Ito ay maliit lamang na halaman na gumagapang, ang dahon ay mabalahibo at makatas at may bulaklak din na kulay lila. Kilala ang angking amoy ng halamang ito kung kaya’t karaniwan itong pananim sa mga taniman at ginagamit na pampalasa. Madali itong tumutubo saan mang lugar sa mundo partikular sa India at mga bansang Malaya.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA OREGANO?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang oregano ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman ay may taglay na carbohydrates, proteins, phenols, tannins, flavanoids, saponins, glycosides. Ang dahon naman nito ay kinukuhanan ng langis na may thymol, eugenol, trans-caryophyllene, at carvacrol
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon pangunahing bahagi ng halamang oregano na ginagamit sa panggagamot. Maaaring ito ay dikdikin, ipantapal, ilaga, at inumin na parang tsaa.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG OREGANO?
1. Paso. Ginagamit ang dinikdik na dahon ng oregano upang maibsan ang pananakit ng paso sa balat.
2. Pananakit ng ulo. Ang dahon naman na bahagyang pinitpit ay inilalagay sa sentido para mabawasan ang pananakit ng ulo.
3. Kagat ng insekto. Ipinangtatapal din ang dahon na bahagyang dinikdik sa bahagi ng katawan na apektado ng kagat ng insekto, at tusok ng alupihan at alakdan.
4. Hika. Ang pinaglagaan ng dahon ng oregano ay mabisa rin para sa kondisyon ng hika.
5. Bagong panganak. Pinaiinom naman ng pinaglagaan ng dahon ng oregano ang mga ina na bagong panganak.
6. Kabag. Mabisa rin para sa kondisyon ng kabang ang pag-inom sa pinaglagaan ng oregano.
7. Pigsa. Ang pigsa sa balat ay matutulungan naman ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng oregano. Ginagawa ito ng apat na beses sa isang araw.
8. Sore throat. Ang pananakit ng lalamunan dahil sa sore throat ay maaaring matulungan ng paglunok sa pinaglagaan ng pinatuyong dahon ng oregano.
9. Pananakit ng tenga. Mabisa naman na pangtanggal sa pananakit ng tenga ang pagpapatak ng sariwang katas ng dahon sa loob mismo ng tenga
10. Ubo. ang ubo na mahirap gumaling at pabalikbalik ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng oregano. Maaari ding lunukin ang isang kutsara ng sariwang katas ng dahon ng oregano.
Source kalusugan.ph

0 comments