HALAMANG GAMOT: TSITSIRIKA
KAALAMAN TUNGKOL SA TSITSIRIKA BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Catharanthus roseus (Linn.) Don.; Lochnera rosea Linn.; Vinca rosea Linn.
Common name: Tsitsirika, Chichirika (Tagalog), Pink Periwinkle (Ingles)
Ang tsitsirika ay isang kilalang halaman na namumulaklak at karaniwang tinatanim bilang halamang ornamental sa mga gilid ng kalsada at mga bakuran. Ang dahon ay simple lamang, mabilog sa dulo, makinis at may patulis sa dulo. Ang bulaklak naman ay maaring kulay lila, mapula o kulay puti. Karaniwang tanim sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ngunit orihinal na nagmula sa Amerika.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA TSITSIRIKA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tsitsirika ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ng tsitsirika ay mayroong volatile oil na may aldehyde, sesquiterpenes, furfural, sulphur, lochnerol, vincamine, vinpocetin (ethyl aponvincminate), at vincarosin. Ang ugat naman ay mayroong ajmalicine at serpentine
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
1. Dahon. Ang dahon ay karaniwang pinakukuluan upang mainom ang pinaglagaan. Maaari din namang katasan ang dahon upang upang mainom.
2. Ugat. Karaniwan ding nilalaga ang ugat upang mainom at magamit sa panggagamot.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG TSITSIRIKA?
1. Sobrang pagdurugo sa pagregla. Ang dahon ng tsitsirika ay maaaring ibabad sa tubig at ipainom sa pasyenteng may malakas na pagdurugo.
2. Kanser. Pinaniniwalaan din na nakakapagpabagal ng progreso ng pagkalat ng tumor o kanser ang pag-inom sa katas ng dahon ng tsitsirika. May kaparehong epekto din ang pag-inom naman sa pinaglagaan ng ugat.
3. Bulate sa tiyan. Ang pinaglagaan ng ugat ng tsitsirika ay mabisa sa pagpupurga ng mga bulate sa tiyan at bituka.
4. Pananakit ng sikmura. Mainam naman na panglunas sa pananakit ng sikmura ang pag-inom sa pinaglagaan ng murang dahon ng tsitsirika.
5. Diabetes. Sinasabi din na nakatutulong sa kondisyon ng may sakit na diabetes ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng tsitsirika.
6. Pagtatae. Ang pagtatae o dysenteria ay maaari ding matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng tsitsirika.
Image Source: publicdomainpictures
Source: kalusugan.ph

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.
Source: kalusugan.ph
0 comments