BAYABAS BILANG PANLUNAS NG MGA SAKIT

Ang bayabas ay isang maliit na puno na namumunga.   Ang dahon at bunga nito ay kilala sa at ginagamit na gamot sa Pilipinas, at ito ay kinikilala ng Philippine Department of Health dahil sa mabisang kakayahan nito. Ang bayabas ay kilalang halaman lalo na dahil sa bunga nito na paborito ng maraming Pilipino.

Ang bayabas ay kilala bilang herbal na gamot na anti-inflammatory, antimicrobial, antioxidant, anti-allergy, antiseptic , anti-plasmodial, antidiabetic, antigenotoxic and for treatment of cough.  Ang bunga nito ay kilala na nagtataglay ng  bitamina C at bitamina  A. Ginagamit ang ilang bahagi ng halamang ito particular ang dahon bilang panggamot sa ilang mga karamdaman. Karaniwan naman itong tumutubo sa iba’t ibang lugar sa kapuluan ng Pilipinas.

 Karaniwang din itong ginagamit na pampaligo sa mga bagong panganak, sa paglinis ng sugat at hiwa.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BAYABAS?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bayabas ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman ng bayabas ay makukuhanan ng mga kemikal na alkaloids, flavonoids, glycosides, polyphenols, reducing compounds, saponins at tannins. Ang dahon ay mayroong alkaloids, anthocyanins, carotenoids, essential oils, fatty acids, lectins, phenols, saponins, tannins, triterpenes, and vitamin C. Mayroon pa itong ß-sitosterol, maslinic acid, at flavonoids. Ang bunga naman ay may taglay na glykosen, saccharose, protein, at iba pa. Mayaman din ito sa Vitamin C. Ang ugat at balat ng kahoy ay parehong may mataas na lebel ng tannins.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
1.Dahon. Ang dahon ay malimit gamitin na panggamot sa ilang mga karamdaman. Maaari itong ilaga at ipainom sa may sakit na parang tsaa. Maaari ring tadtarin ang dahon upang mas madaling makuhanan ng katas. Maaari ding ipanguya lamang ang murang dahon ng bayabas at gamitin ang nanguyang dahon bilang gamot. Maaari ring ipang tapal ang dinikdik na dahot sa mga apektadong bahagi ng katawan.
2.Bunga. Ang bunga ng bayabas ay maaaring kainin lamang o lutuin at isangkap sa ilang mga putahe.
3.Balat ng kahoy. Pinakukuluan ang balat ng kahoy upang ipang mumog o ipanghugas.
4.Ugat. Inilalaga din ang ugat ng bayabas kasama ng iba pang bahagi ng halaman upang magamit bilang gamot.
5.Bulaklak. Ang bulaklak din ay maaaring isama sa paglalaga ng ilang mga bahagi ng halaman.

ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BAYABAS?
1. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay matutulungang mapagaling nang mas mabilis sa tulong ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas.
2. Sugat. Mabilis din ang paghilom ng mga sugat kung tatapalan ng dinikdik na dahon ng bayabas. Mahusay din ang paghuhugas sa sugat gamit ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring nguyain ang murang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Dapat ding isiksik sa bulok na ngipin ang nginuyang dahon.
4. Pagtatae. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas, o kaya pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. May bisa din ang pinaglagaan ng murang bulaklak ng bayabas.
5. Pamamaga ng gilagid. Ang pamamaga naman ng gilagid ay maaring mapahupa ng pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. Makatutulong din ang pagnguya ng murang dahon ng bayabas.
6. Rayuma. Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.
7. Hirap sa pagdumi. Ang bunga ng bayabas na ginawang jelly ay makatutulong sa pagpapadalit ng pagdumi.
8. Epilepsy. Ang katas ng dinikdik na dahon ng bayabas ay mabisa din sa pagpapahupa ng sintomas ng epilepsy.
9. Bagong tuli. Kilalang ginagamit ang pinagnguyaan ng dahon ng bayabas sa mabilis na pagpapagaling ng sugat sa bagong tuli.
10. Bagong panganak. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas sa paghuhugas sa puerta ng babae na bagong panganak. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom ng sugat.

DAHON NG BAYABAS
Ang dahon ng bayabas ang pangunahing gamot sa sakit ng tiyan, noong una pa man. Ang murang dahon naman nito ay ginagawang panglanggas sa mga bagong tuli na karaniwang maririnig sa probinsiya. Pinanlalanggas din sa sugat, sa pagkawala ng malay, pagtatae at mga namamagang gilagid at bibig.

Paraan:
a) Sakit ng tiyan o nagtatae - kumuha ng 10 pirasong dahon, lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan.
Bata (sanggol) = 1/2 tsp. 3 times a day
2-6 taon = 1/4 cup 3 times a day
7-12 taon = 1/2 cup 3 times a day
matanda = 1 cup 3 times a day
b) Tuli - ipanlanggas ang pinakuluang dahon ng bayabas.
c) Pagkawala ng malay - lamukusin ang mga murang dahon at singhutin, ipaamoy, ilagay sa tapat ng ilong.
d) mga namamagang gilagid at bibig - kumuha ng 1 tasang tinadtad na murang dahon ng bayabas. Lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan, ipangmumog o ipanglinis ng bibig pagkatapos kumain.

Paghahanda
1.Sa paggawa ng dekokson: Hugasan nang maigi ang mga dahon ng bayabas. Tadtarin ito sa maliliit na piraso. Pakuluan ang isang tasa ng dahon sa tatlong tasang tubig ng 8 hanggang 10 minuto. Pagkatapos ay alisin ang mga dahon sa tubig.
-Uminom ng tsaa bawat apat na oras upang malunasang ang sakit sa tiyan, pagtatae, at gastroenteritis.
-Gamitin ang tsaa bilang pang-mumog tatlong beses sa isang araw para sa paglinis ng bibig.
-Gamitin ang dekokson sa paglinis ng sugat tatlong beses sa isang araw. Maaari rin maglagay ng sariwang dahon diretso sa sugat para masbumilis ang paggamot.
-Gamitin ang dekokson sa paglinis ng ari ng babae pagkatapos ng panganganak.
2.Para sa sakit sa ngipin at pamamaga ng gilagid: Nguyain ang dahon ng bayabas.
3.Para sa balinguyngoy: Irolyo ang mga dahon ng bayabas at ilagay sa butas ng ilong.


Source: halamang-gamotkalusugan.phwikipilipinas

You Might Also Like

0 comments