MGA NATURAL NA PARAAN PARA MATANGGAL ANG BALAKUBAK MATATAGPUAN SA ATING TAHANAN

MGA NATURAL NA PARAAN PARA MATANGGAL ANG BALAKUBAK MATATAGPUAN SA ATING TAHANAN

Balakubak ba? Kalimutan mo muna ang paggamit ng mga anti-dandruff shampoo at subukan ang natural na mga pamamaraan bilang gamot sa balakubak!

Ang dandruff o balakubak ay resulta ng pagkakaroon ng tuyong anit o ng isang partikular na kondisyon ng balat na kung tawagin ay seborrheic dermatitis. Ito ay maaari ring dala ng pagkakaroon ng ilang sakit sa balat tulad ng eksema, psoriasis at iba pang sakit sa balat.

Ang balakubak ay kadalasang ginagamot ng mga produktong mabibili mo sa botika, tulad ng mga shampoo na may mga sangkap tulad ng zinc pyrithione, na pumapatay sa mga fungus at bacteria; ketoconazole na umaatake rin sa mga fungus; coal tar at selenium sulfide, na nagpapabagal sa pagtanda at pagkamatay ng mga selula sa balat sa anit; at salicylic acid na tumutulong para tanggalin ang balakubak sa pagkakapit nito sa anit. Ngunit kung gusto mo ng natural ngunit epektibong mga paraan bilang gamot sa balakubak, ipagpatuloy moa ng iyong pagbabasa.

1. ASPIRIN: GAMOT SA BALAKUBAK?
Tama! Ang aspirin ay hindi lamang gamot sa lagnat o pananakit ng katawan, ito ay pwede ring gawing gamot sa balakubak! Ang aspirin ay naglalaman ng aktibong sangkap na salicylic acid na katulad din ng nasa mga shampoo para sa balakubak. Magdikdik ng dalawang tableta ng aspirin hanggang sa ito ay maging pulbos. Ipanghahalo moa ng pulbos na ito habang ginagamit moa ng paborito mong shampoo sa pagpapaligo. Hayaan ang shampoo na may aspirin sa buhok sa loob ng isa o dalawang minuto, at banlawan. Pwede kang mag shampoo uli ng wala nang aspirin. Gawin ito araw araw.

2. BAKING SODA PARA SA BALAKUBAK
Ang baking soda ay sangkap sa pagluluto ng tinapay dito sa atin sa Pilipinas. Alam mo ba na ang sangkap na ito ay pwede ring gawing gamot sa balakubak? Basain ang buhok kasama na ang anit at saka ikuskos ang isang dakot na baking soda sa buhok at sa anit. Huwag kang gagamit ng shampoo. Banlawan mo ito agad. Ang baking soda ay pumapatay sa mga fungus na dahilan ng pagkakaroon ng balakubak. Maaaring mapansin mo na biglang naging tuyo ang buhok mo pagkatapos mong gumamit ng baking soda, pero ang iyong anit ay magpapalabas din ng natural na mga langis nito pagkaraan ng ilang linggo, na dahilan ng pagkakaroon ng mas malambot na buhok na walang balakubak.

3. APPLE CIDER VINEGAR, GAMOT SA BALAKUBAK
Alam mo ba kung ano ang apple cider vinegar? Kung ikaw ay maghahanap ng impormasyon tungkol sa sangkap na ito, maaaring makumbinsi ka kung sasabihin kong ito ay pambihirang sangkap na gamot sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman tulad ng highblood at bato sa bato. Pero ang nakakamangha, ito ay maaari ring gamot sa balakubak!

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagiging acidic ng sukang ito ay may kakayahang baguhin ang pH level ng anit, kaya mahihirapan ang mga fungus na lumaki at magparami.

Kumuha ng isang kapat na sukat sa baso ng apple cider vinegar at isang kapat na sukat sa baso na tubig at paghaluin ito ng maaayos. Ilagay ito sa sprayer at I spray ito sa buhok. Balutin ang buhok ng tuwalya at hayaan ito sa loob ng 15 minuto hanggang isang oras. Banlawang ang buhok pagkatapos. Gawin ito ng dalawang beses bawat linggo.

4. MOUTHWASH, PWEDE RIN SA BUHOK?
Ang mouthwash ay hindi lamang pala gamit sa mabahong hininga, pwede rin pala itong gamot sa balakubak. Para sa malalang kaso ng balakubak, maligo gamit ang iyong paboritong shampoo, at banlawan ang buhok gamit ang mouthwash. Gumamit ng conditioner pagkatapos. Ang sangkap na nasa mouthwash na pumapatay sa mga fungus ang hahadlang sa pagdami ng yeast na sanhi ng balakubak.

5. LANGIS NG NIYOG
Ang mga dalubhasa sa pangangalaga ng balat at buhok ay nagkakaisa sa kanilang paniniwala na ang langis ng niyog ay mabisang gamot sa balakubak, bukod sa ito ay pampakintab at pampadulas sa buhok. Bago ka maligo, imasahe sa buhok ang tatlo hanggang limang kutsara ng langis ng niyog sa anit at hayaan ito sa loob ng isang oras. Gumamit ng shampoo para hugasan ang buhok pagkaraan ng isang oras. Pwede ka namang maghanap ng shampoo na may sangkap na langis ng niyog.

6.KALAMANSI
Ang kalamansi ay isa pang abot kayang lunas sa balakubak. Bukod sa ito ay mura, ito ay napakadaling hanapin, kahit saan meron ito. Kumuha ng kalamansi at pigain, kailangan mo ng dalawang kutsarang katas ng kalamansi. Imashe ito sa buhok at sa anit at banlawan. Pagkatapos ay maghalo ng isang kutsarang katas ng kalamansi sa isang baso ng tubig at ihugas mo sa buhok mo. Ulitin ang paraang ito araw araw hanggang sa mapansin mong nawala na ang iyong balakubak. Ang asido na nasa kalamansi ay tutulong na mabalanse ang pH level sa anit mo, anupa’t mamatay ang mga mikrobyo na sanhi ng pagdami ng balakubak.

7. ASIN, GAMOT SA BALAKUBAK
Ang kakayahang maglinis ng ordinaryong asin ay makatutulong sa pagtanggal ng balakubak na matindi ang pagkakadikit sa anit. Kumuhan ng asin at ilagay ito sa tuyong anit, imasahe ito sa buhok at sa anit. Gumamit ng shampoo pagkatapos nito.

8. ALOE VERA
Ang aloe vera ay ang tinaguriang reyna ng mga sangkap sa pagpapaganda ng buhok at balat. Kung nangangati ang ulo mo dahil sa balakubak, ang aloe vera ay isa sa mga epektibong lunas. Kumuha ng dahon ng aloe vera, kunin ang gulaman sa loob ng dahon at imasahe ng maayos sa anit at buhok. Ang nakapagpapalamig na sangkap ng aloe vera ay tutulong para maibsan ang kati. Ang aloe vera ay nakapagpapakapal din ng buhok. Kung ako sa’yo, magtatanim ako ng aloe vera kahit sa mga paso o lata lang. Marami ang nagagamot ng halamang ito!

9. BAWANG PARA SA BALAKUBAK
Ang aktibong sangkap na nasa bawang ay nakapapatay ng mga mikrobyo na sanhi ng balakubak. Magdurog ng ilang piraso ng bawang it ikuskos sa anit. Para maiwasan ang masangsang na amoy ng bawang, ang mga dalubhasa ay nagmumungkahing haluan ito ng honey. Huwag kalimutang magbanlaw ng maaayos pagkatapos!

KARAGDAGAN: 
Ang lunas o gamot sa balakubak o dandruff ay binubuo ng ilang mga simpleng hakbang na pwedeng gawin ng isang tao sa kanyang sarili. Kabilang dito:
1. Huwag kamutin ang buhok. Hindi mauubos ang balakubak sa iyong buhok sa kakakamot. Bagkos, lalo lang itong dadami sapagkat ang pagkakamot ay nakakasira sa atip o scalp, na siyang magdudulot ng mas marami pang pagtutuklap.
2. Suriin ang iyong mga ginagamit na shampoo, conditioner, gel, spray, at iba pang pampaayos ng buhok. Bawat tao ay may kani-kanyang mga pinapahid sa buhok na ‘hiyang’ sa kanila, subalit ang iba rin ay pwedeng maging ‘trigger’ o mitsa sa pagkakaron ng balakubak. Ang isang maaaring gawin ay itigil muna ang paggamit ng mga ito, at gumamit muna ng mild shampoo (yung pang-baby), o di kaya naman paltan ang ginagamit na mga produkto.
3. Bawas-bawasan ang paggamit ng shampoo. Minsan, ang sobrang paggamit ng shampoo at conditioner ay pwede ring dumagdag o magpalala ng balakubak.
4. Kung hindi pa gumaling ang balakubak sa pamamagitan ng unang tatlong hakbang, gumamit ng ‘anti-dandruff shampoo’ araw-araw. Hindi kailangang ‘ikusot’ ang shampoo sa buhok na parang labadang may mantsa. Sahalip, banayad lamang na ipahid ito sa buhok, at biglang ng sandaling oras (mga 5 minuto) ang sangkap ng anti-dandruff shampoo na umabot sa atip, bago magbanlaw. Para ang shampoo ay masabing ‘anti-dandruff’, dapat may aktibong sangkap ito laban sa balakubak. Halimbawa:
salicylic acid
selenium sulfide
ketoconazole
zinc pyrithione
Huwag gamitin ang anti-dandruff shampoo ng sobrang dalas, dahil baka ito mismo ay maging sanhi ng balakubak. Hindi agad-agad ang resulta; magbigay ng ilang linggo para sa mga epekto nito.
5. Kung hindi parin mawala-wala ang balakubak, maaaring magpatingin sa dermatologist o iba pang doktor para sa iba pang pwedeng gawin para dito.

Source: maganda-ako , kalusugan.ph

You Might Also Like

1 comments

  1. maitanong ko lang po...paano po makaiwas sa ganyan pangyayari po.

    ReplyDelete