SAMPUNG HALAMANG GAMOT AYON SA DOH
Noong 2003, naglabas ang Department of Health o DOH ng listahan ng sampung (10) na halamang gamot na nirerekomenda nito para gamitin ng mga tao sa iba’t ibang uri ng sakit bilang home remedy.
1. LAGUNDI (Scientific name: Vitex negundo) – Gamot sa ubo, sipon, lagnat, at hika.
2. YERBA BUENA (Scientific name: Clinopodium douglasii)· – Gamot sa pananakit ng katawan, ubo, sipon, hilo, at pangangati.
3. SAMBONG (Scientific name: Blumea balsamifera) – Gamot sa high blood (hypertension) bilang isang pampaihi o diuretic; nakakalusaw ng mga bato sa bato.
4. TSAANG GUBAT (Scientific name: Carmona retusa) – Gamot sa sakit ng tiyan o pagtatae (gastroenteritis) at pangmumog para maiwasan ang mga cavites o pamumulok ng ngipin.
5. NIYOG-NIYOGAN (Scientific name: Quiscalis indica) – Gamot sa bulate sa tiyan.
6. AKAPULKO (Scientific name:· Cassia alata) – Panlaban sa mga fungal infection sa balat gaya ng an-an, buni, alipunga.
7. ULASIMANG-BATO O PANSIT-PANSITAN (Scientific name: Peperonia pellucida) – Ginhawa sa rayuma o arthritis at gout
8. BAWANG (Scientific name: Alium sativum) – Pampababa ng kolesterol (cholesterol-lowering agent)
9 AMPALAYA (Scientific name: Momordica charantia) – Pampababa ng asukal sa dugo sa mga may diabetes (Lowers blood sugar levels)
10. BAYABAS (Scientific name: Psidium guajava) – Gamot sa pagtatae (antidiarrheal) at panghugas ng katawan na nakakaalis ng mikrobyo (antiseptic).
Source: halamanggamot.ph
0 comments