IBA'T IBANG URI NG SAKIT SA BALAT AT HALAMANG GAMOT NA MAGPAPAGALING DITO: ATING TUKLASIN!
- 10:36 PM
- By Unknown
- 0 Comments
Ang pagkakaroon ng mga sakit sa balat ay karaniwang nararanasan lalo na kung nalalantad ang balat sa iba’t ibang uri ng mikrobyo, fungi at parasitiko na siyang sanhi ng mga ito. Dahil sa mga sakit na ito, maaaring makaranas ng pangangati, pagsusugat, pamamaga, pamumula, at matinding iritasyon sa balat. Mabuti na lamang, nariyan ang maraming uri ng antifungal, antibacterial, at anti-inflammatory na cream at ointment na mahusay para sa mga ganitong uri ng kondisyon sa balat at madali lamang din namang nabibili sa mga butika.
Ang mga karaniwang uri ng sakit na nakakaapekto sa balat ng mga Pilipino ay ang sumusunod:
1. An-an
Ang an-an ay isang karaniwang sakit sa balat na dulot ng impeksyon ng fungi. Dito nagkakaroon ng kaibahan sa normal na kulay ng balat na kumakalat nang patse-patse. Maaari itong magamot sa tulong ng antifungal cream o ointment.
2. Buni
Ang buni ay isa ring karaniwang sakit sa balat na dulot din ng impeksyon ng fundi. Kilala ito sa pagkakaroon ng bilugang marka sa balat na may pangangapal at matinding pangangati. Ito ay lumalaki at kumakalat sa paglipas ng panahon. Maaari itong magamot sa tulong antifungal na gamot.
3. Hadhad
Ang mga singit ng katawan na madalas pinagpapawisan ay maaaring maapektohan din ng sakit sa balat lalo na kung kulang sa paglilinis ng katawan. Ang mga pangangati at pangangapal ng balat sa singit na tinatawag na hadhad o jock itch ay dulot din ng impeksyon ng fungi sa balat. Maaari itong magamot sa tulong antifungal cream at ointment.
4. Galis
Ang sakit na galis ay dahil naman sa paninirahan ng mga parasitikong insekto sa ilalim ng balat. Dahil dito, nakararanas ng sobrang pangangati at pagsusugat dahil sa kakakamot ng balat. Maaari itong magamot sa tulong ng mga gamot ispesipikong para sa paggagalis o scabies.
5. Pigsa
Ang pigsa o boils ay isang kondisyon kung saan mayroong impeksyon ng bacteria at nagdulot ng pamamaga, pamumula, at pagnanana sa balat. Ito ay may matinding pananakit at maaaring lumala pa kung hindi magagamot.
6. Pagtatagihawat
Gaya rin ng pigsa, ang pagtatagihawat ay dulot ng impeksyon ng bacteria sa balat. Ngunit ang mga tagihawat ay mas maliit kaysa sa pigsa. Madalas itong makaapekto sa balat sa mukha sa panahon ng puberty stage.
7. Alipunga
Ang alipunga ay isa pa ring sakit na dulot ng impeksyon ng fungi, ngunit ito ay nakakaapekto sa balat sa pagitan ng mga daliri sa paa. Kaakibat din nito ang matinding pangangati at pagsusugat sa paa, at minsan pa ay pamamaho at pagbibitak ng mga kuko sa paa.
8. Balakubak
Ang balakubak ay tumutukoy sa panunuyo at pagtuklap ng balat sa anit ng ulo. Maaaring dahil ito sa abnormalidad sa produksyon ng langis ng mga sebaceous glands sa ulo.
Gamot sa ibat ibang uri ng sakit sa balat
Ano ang lunas sa ibat ibang uri ng sakit sa balat? Ang sagot ay depende sa kung anong uri ng sakit sa balata ng dumapo saiyo.
Pag-usapan natin ang lunas sa ibat ibang uri ng sakit sa balat:
1. Alipunga:
-Panatilihing tuyo at malinis ang mga paa, lalo na ang mga pagitan ng mga daliri
-Magsuot ng medyas na gawa sa absorbent na mga materyales, magpalit ng medyas araw araw
-Magsuot ng tsinelas o botas kapag naglalakad sa mga pampublikong paliguan. Kung ang panahon ay mainit o maalinsangan, huwag munang magsuot ng sapin sa paa. Huwag magsusuot ng masikip na sapatos
-Patuyuin ang sapatos sa gabi. Kung posible, bumili ng pamalit nang hindi mo inaaraw araw ang paborito mong sapatos.
2. Hadhad:
-Tulad ng iba pang uri ng mga sakit sa balat, kailangan mong maligo araw araw, pagkatapos mag ehersisyo, o matapos pagpawisan
-Mas madalas na maghugas ng kamay para makaiwas sa impeksyon
-Patuyuin ang singit gamit ang malinis na tuwalya pagkatapos maligo. Maglagay ng pulbos sa singit para maalis ang sobrang moisture sa balat
-Maglaba ng damit araw araw. Iwasan ang pagsusuot ng makakapal na dapat sa loob ng mahahabang oras lalo na kung maalinsangan ang panahon
-Huwag manghihiram o ipapahiram ang personal na mga gamit
3. Impeksyon sa kuko
-Panatilihing malinis at tuyo ang mga kuko, magpalit ng sapatos at medyas araw araw
-Magsuot ng medyas na gawa sa absorbent na mga materyales
-Linisin ang mga gamit sa paglinis at pagpapaganda ng kuko. Huwag munang mag kulay ng kuko kung ito ay may impeksyon
ALTERNATIBONG GAMOT PARA SA IMPEKSYON NG FUNGI SA BALAT
Ang balat ng tao ang pangunahing depensa ng katawan laban sa lahat ng uri ng mikrobyo at organismo na maaaring makapagdulot ng sakit. Ngunit may mga pagkakataon na mismong ang balat ang siyang inaatake ng sakit. Kabilang sa mga madalas na nakapagdudulot ng kondisyon sa balat ay ang mga fungi. Ito ay isang organismo na kauri ng amag at kabute. Sa balat ng tao, ang fungi ay makapagdudulot ng iba’t ibang sakit gaya ng an-an, buni, hadhad, alipunga, at iba pa na may sintomas na pangangati, pangangapal ng balat, pagkakaroon ng mga patse-patse, at iba pang abnormalidad.
Upang matulungan ang kondisyon ng impeksyon ng fungi sa balat, maaaring gumamit ng mga gamot na antifungal tulad ng ketoconazole, miconazole, o fluconazole. Ngunit bukod sa mga ito, mayroong pang mga alternatibong gamot na maaaring magamit kontra sa impeksyon ng fungi.
1. Suka
Ang maasim na suka ay may epekto sa impeksyon ng fungi sa balat ng tao. Ang antimicrobial na katangian ng substansyang suka ay epektibong makapupuksa sa namumukadkad na fungi sa balat.
Paano ito gamitin? Ihalo ang 2 kutsara ng suka sa isang tasang maligamgam na tubig at ipahid sa apektadong balat. Ulitin ito nang ilang araw hanggang sa lumabas ang resultang inaasam.
2. Bawang
Kilala ang pampalasang bawang bilang natural na antibiotic. Bukod sa mga impeksyon ng bacteria sa loob ng katawan, makatutulong din ang katas ng bawang sa impeksyon naman ng fungi sa balat.
Paano ito gamitin? Ipahid o ipantapal sa apektadong balat ang dinikdik na sariwang bawang. Hayaan ito nang 30 minuto upang masipsip ng balat ang substansya ng bawang bago hugasan gamit ang maligamgam na tubig.
3. Langis ng niyog
Ang fatty acids na taglay ng langis ng niyog ay kilalang mahusay din na panlunas sa impeksyon ng fungi sa balat. Kaya nitong puksain ang dumadaming fungi sa balat hanggang sa tuluyan na itong mawala.
Paano ito gamitin? Ipahid nang direkta ang langis ng niyog sa apektadong balat at hayaan lamang itong matuyo nang kusa. Ulitin hanggang sa lumabas ang ninanais na resulta.
4. Tsaa
Ang ilang substansyang makukuha sa dahon ng tsaa gaya ng tannin ay epektibo laban sa impeksyon ng fungi sa balat. Taglay din ng tsaa matatapang na antioxidant at kaya din nitong pahupain ang impalamsyon sa balat na dulot ng fungi.
Paano ito gamitin? Ang sapal na ginamit sa paggawa ng tsaa ay ipantapal sa balat na apektado ng impeksyon. Siguraduhing malalagyan ang buong balat na amy sakit.
5. Luya
Gaya ng bawang, ang luya ay may katangiang malakas na antibacterial at antifungal na mabisang panlaban sa impeksyon sa balat.
Paano ito gamitin? Ang pinaglagaan ng luya ay dapat ipanghugas sa balat na apektado ng sakit. Maaari ding ipahid ang hiniwang luya hanggang sa masipsip ng balat ang katas.
6. Oregano
May epekto ring antifungal ang katas ng dahon ng oregano kung kaya’t mabisa rin ito para sa impeksyon ng fungi sa balat.
Paano ito gamitin? Ang dinikdik na dahon ng oregano ay dapat ipantapal sa apektadong balat. Hayaang matuyo bago hugasan ng tubig.
7. Ampalaya
Maging ang gulay na ampalaya ay mabisa rin para sa impeksyon ng fungi. Taglay ng mapait na katas nito ang ilang substansyang may kakayanang puksain din ang maliliit na fungi
Paano ito gamitin? Ang katas ng ampalaya ay ipahid sa balat na may impeksyon ng fungi. Hayaang matuyo bago hugasan.
8. Mangosteen
Bukod pa sa epektong antioxidant, kilala rin ang mangosteen sa epekto nito laban sa impeksyon ng bacteria at fungi. Kaya naman mabisa din ito laban sa mga sakit sa balat.
Paano ito gamitin? Ang pinaglagaan ng dahon at balat ng kahoy ay maaring ipanghugas sa balat na apektado ng impeksyon ng fungi.

Ang mga nabanggit ay hindi sapat para gumaling ka sa ibat ibang uri ng sakit sa balat. Kailangan mo paring sumangguni sa doktor para mabigyan ka ng tamang pamatay fungus na bagay saiyo. Pwede ka ring magtanong sa pinakamalapit na botika kung ano ang gamot sa iyong sakit sa balat.
Source: kalusugan.ph, mga-sakit.com
0 comments